Ang epikong Bidasari ng Kamindanawan ay nababatay sa isang romansang Malay. Ayon sa kanilang paniniwala, upang tumagal ang buhay ng tao, ito’y pinaaalagaan at iniingatan ng isang isda, hayop, halaman o ng punongkahoy.
Ang kaharian ng Kembayat ay naliligalig dahil sa isang dambuhalang ibon. Ang ibong ito ay mapaminsala sa mga pananim at maging sa buhay ng tao.
Ang ibong ito ay ang ibong garuda. Kapag dumarating na ang garuda, mabilis na nagtatakbuhan ang mga tao upang magtago sa mg yungib. Takot na takot sila sa ibong garuda pagka’t ito’y kumkain ng tao.
Bahagi Ng Pananalita
Sa laki ng takot ay naisilang niya ang sanggol na babae sa may tabi ng ilog. Dahil sa malaking takot at pagkalito naiwan niya ang sanggol sa bangka sa ilog.
May nakapulot naman ng sanggol. Siya ay si Diyuhara, isang mangangalakal mula sa kabilang kaharian. Kanyang pinagyaman at iniuwi sa bahay ang sanggol.
Itinuring niya itong anak. Pinangalanan nila ang sanggol ng Bidasari. Habang lumalaki si Bidasari ay lalo pang gumaganda. Maligaya si Bidasari sa piling ng kanyang nakikilalang magulang.
Kwentong Bidasari Anu Ano Ang Mga Paksang Namayani Na May Kinalaman Sa Pagmamahal Isa Isahin Ang Mga Ito At
Sa kaharian ng Indrapura, ang sultang Mongindra ay dalawang taon pa lamang kasal kay Lila Sari. Mapanibughuin si Lila Sari. Natatakot siyang umibig pa sa ibang babae ang sultan. Kaya lagi niyang itinatanong sa sultan, kung siya’y mahal nito na sasagutin naman ng sultan ng, “Mahal na mahal ka sa akin”.
Hindi pa rin nasisiyahan ang magandang asawa ng sultan. Kaniyang itinanong na minsan sa sultan, “hindi mo kaya ako malimutan kung may makita kang higit na maganda kaysa akin?”
Nag-alala ang sultana na baka may lalo pang maganda sa kanya at ito ay makita ng sultan. Kaya’t karakarakang inutusan niya ang matapat niyang mga kabig na saliksikin ang kaharian upang malaman kung may babaeng higit na maganda sa sultana.
Barnes And Noble Boxer And Brandon Si Boxer At Brandon: English Tagalog Bilingual Book
Inanyayahan ng Sultana si Bidasari sa palasyo upang diumano ay gagawing dama ng sultana. Ngunit pagsapit doon, si Bidasari ay lihim na ikinulong ni Lila Sari sa isang silid at doon pinarurusahan.
![]()
Nang hindi na matiis ni Bidasari ang mga pagpaparusa sa kanya, sinabi niyang kunin ang isdang ginto sa halamanan ng kanyang ama. Kapag araw ito’y ipinakukuwintas kay Lila Sari at sa gabi’y ibinabalik sa tubig at hindi maglalaon si Bidasari ay mamamatay.
Isinuot nga ni Lila Sari ang kuwintas ng gintong isda sa araw at ibinabalik sa tubig kung gabi. Kaya’t si Bidasari ay nakaburol kung araw at muling nabubuhay sa gabi.
True Story Ba Ang Hunger Movie Ng Netflix? Si Paul At Aoy Ba Ay Batay Sa Mga Tunay Na Luto?
Nag-alala si Diyuhara na baka tuluyang patayin si Bidasari. Kaya nagpagawa siya ng isang magandang palasyo sa gubat at doon niya itinira nang mag-isa si Bidasari.
Isang araw, ang Sultan Mongindra ay nangaso sa gubat. Nakita niya ang isang magandang palasyo. Ito’y nakapinid. Pinilit niyang buksan ang pinto.
Hindi niya magising si Bidasari. Umuwi si Sultan Mongindra na hindi nakausap si Bidasari. Bumalik ang sultan kinabukasan. Naghintay siya hanggang gabi.
Ang Buong Kwentong Ng Epiko Ni Bidasari
Galit na galit ang sultan. Iniwan niya si Lila Sari sa palasyo at agad niyang pinakasalan si Bidasari. Si Bidasari na ang naging reyna.
Samantala, pagkaraan ng maraming taon ang tunay na mga magulang ni Bidasari ay matahimik nang naninirahang muli sa Kembayat. Nagkaroon pa sila ng isang supling.
Ito’y si Sinapati. Nang pumunta sa Kembayat ang isang anak ni Diyuhara ay nakita niya si Sinapati, anak ng sultan at sultana ng Kembayat.

Cose A Caso — #saveheneralluna
Nang magkita si Bidasari at si Sinapati ay kapwa sila nangilalas dahil sa silang dalawa ay magkamukhang-magkamukha. Natunton ng Sultan ng Kembayat ang nawawala niyang anak na si Bidasari.
Alamat aral Bayani Bundok dayuhan Fables Filipino folktale Folk Song Grimm's Fairy Tales Gulay Halaman Hayop ibon Insekto Inspirasyon Isda jesus kabutihan kagandahan kalikasan kultura kuwentong-bayan Kwento Kwentong May Aral lugar Luzon Mindanao pag-asa pag-ibig pagkakaisa pagmamahal pagpapahalaga sa kalikasan pagpapakasakit pagtitiis pananampalataya parable Philippine folklore Philippine mythical creature Pilipinas Prutas Puno Tagalog top tradisyon Visayas