Bulubulkaning Cordillera de Apaneca sa El Salvador. Tahanan ang bansa sa 170 bulkan, aktibo ang 23 sa mga ito, kabilang dito ang dalawang kaldera, at higbulkan ang isa sa mga ito. Nabigyan ang El Salvador ng taguring La Tierra de Soberbios Volcanes, (Ang Lupa ng mga Kahanga-hangang Bulkan).
Ang bulkan ay pagkalagot sa krast ng isang bagay na may buntalaing laki, tulad ng Daigdig, na nagpapahintulot sa pagbuga ng mainit na lava, abo-bulkan, at buhag mula sa liyaban ng magma sa ilalim ng lupa.
Kalikasan />
Mayroong mga bulkan sa Daigdig dahil na nakahiwalay ang kanyang krast sa 17 pangunahing, maigting na plakang tektonika na lumulutang sa mas mainit at mas malambot na latag ng mundo.
Modyul 01 Hegrapiya Ng Daigdig.pdf Grade 8 2014
Samakatuwid, sa Daigdig, kadalasang matatagpuan ang mga bulkan kung saan naghihiwalay o nagdidikitan ang mga plakang tektonika, at matatagpuan ang karamihan nito sa ilalim ng tubig. Bilang halimbawa, isang gitkaragatang gulod, tulad ng Git-Aantikong Gulod, ay mga bulkan na bunga ng mga pahiwalay na plakang tektonika samantalang ang Singsing ng Apoy ng Pasipiko ay may mga bulkan na bunga ng mga nagdidikit na plakang tektonika. Maaari ring mabuo ang mga bulkan kung saan may pagbanat at pagpayat sa mga plaka ng krast, hal. sa Siwang ng Silangang Aprika, sa bulubulkanin ng Wells Gray-Clearwater, at Siwang ng Rio Grande sa Hilagang Amerika. Ang ganitong uri ng bulkanismo ay nasa ilalim ng grupo ng palagayin ng plaka sa bulkanismo.
Ipinaliwanag din ang bulkanismo na malayo sa mga hangganan ng plaka bilang mga pluma ng latag. Ipinapalagay na ang mga tinatawag na batik-init, tulad ng Hawaii, ay nanggagaling mula sa tumataas na diapir na may magma mula sa hangganan ng ubod–latag, 3, 000 km kalalim sa Daigdig. Hindi naman nabubuo ang mga bulkan sa pagdulas ng dalawang plato sa isa't isa.
Maaaring magdulot ang mga pumuputok na bulkan ng mararaming panganib, hindi lamang sa paligid ng pagputok. Isang halimbawa ng peligro ay maaaring maging panganib ang abo sa mga eroplano, lalo na ang mga mayroong mga likhisog panghimpapawid kung saan natutunaw ang mga tipik ng abo sa mataas na temperatura ng pagpapatakbo; pagkatapos, dumidikit ang mga natunaw na tipik sa mga talim ng turbina at nagbabago sa hugis nito na nakaiistorbo sa pagtakbo ng turbina. Nakaaapekto ang mga malaking pagsabog sa temperatura dahil hinaharangan ng abo at mga patak ng mga asido sulpuriko ang araw at nagpapalamig sa ibabang atmospera (o himpapawid); gayunman, maaari rin silang mabaon ng init na siningaw ng Daigdig, sa gayon ay nagpapainit sa mas itaas na atmospera (o alangaang). Ayon sa kasaysayan, naging sanhi ang mga bulkanikong tagginaw ng mga napakamalalang taggutom.
Mga Bulkan Sa Pilipinas
Nanggaling ang salitang bulkan mula sa pangalan ng Vulcano, isang bulkanikong pulo sa Kapuluang Eoliko ng Italya na ang pangalan naman ay nanggaling mula kay Vulcan, ang diyos ng apoy sa mitolohiyang Romano.
Sa mga gitkaragatang gulod, naghihiwalay ang dalawang plakang tektonika mula sa isa't isa habang nabubuo ang oseanikong krast sa paglamig at pagtigas ng batong mainit at tunaw. Dahil napakanipis ang krast sa mga gulod na ito dahil sa hatak ng mga plakang tektoniko, humahantong ang pagpapakawala ng presyon sa adiabatikong buklad (nang walang paglipat ng init o butang) at ang bahgyang pagtutunaw ng latag na sanhi ng bulkanismo at pagbuo ng bagong oseanikong krast. Karamihan sa mga hangganang pahiwalay ay nasa ilalim ng mga karagatan; samakatuwid, sa ilalim ng tubig ang karamihan ng aktibidad-bulkan na bumubuo sa bagong sahig-dagat. Ang mga singawang idrotermal ay ebidensya ng ganitong uri ng aktibidad-bulkan. Kung saan sa ibabaw ng lebel ng dagat ang gitkaragatang gulod, nabubuo ang mga malabulkang pulo; halimbawa, Islandiya.
![]()
Ang mga sona ng subduksyon ay mga lugar kung saan bumabangga ang dalawang plaka, kadalasang isang plakang oseaniko at plakang kontinental. Sa ganitong kaso, lumulubog ang plakang oseaniko sa ilalim ng plakang kontinental na bumubuo ng malalim na poso malayo sa pampang. Sa isang proseso na tinatawag na flux melting, binababa ng tubig na pinakawalan mula sa plakang nalulubog ang temperaturang pantunaw ng iwak-latag sa ibabaw nang gayon ay nabubuo ang magma. Karaniwang napakalapot ang magma dahil mataas ang kanyang nilalamang silika kaya kadalasang hindi ito umaabot sa ibabaw, ngunit lumalamig at tumitigas at sa lalim na iyon. Kung umaabot naman ito sa ibabaw, nabubuo ang isang bulkan. Ang mga tipikal na halimbawa nito ay ang Bundok Etna at ang mga bulkan sa Singsing ng Apoy ng Pasipiko.
Danum Book Of Abstracts By Jean Makisig
Ang mga batik-init ay mga mabulkan na lugar na sa palagay ay binubuo ng mga pluma ng latag na ipinaniniwalaang mga haligi ng mainit na materyal na tumataas mula sa hangganan ng ubod–latag sa nakapirming puwesto na nagdudulot ng napakaraming pagtunaw. Dahil gumagalaw ang mga plakang tektonika sa kanilang ibayo, natutulog ang bawat bulkan at sa kalaunan ay nabubuo muli habang sumusulong ang plaka sa ibabaw ng nasapantahang pluma. Sinasabi na nabuo ang Kapuluan ng Hawaii sa ganitong paraan; pati na rin ang Kapatagan ng Ilog Snake, kung saan bahagi ang Kalderang Yellowstone ng plakang Hilagang Amerika sa ibabaw ng batik-init. Gayunman, pinagdudahan itong teorya.
Ang Lakagigar, isang bitak-singawan sa Islandiya, ang sanhi ng malaking pagkabago sa klima ng mundo noog 1783–84, ay may bulubukanin ng bulkanikong tagilog sa kanyang haba.
![Answered]](https://i3.wp.com/ph-static.z-dn.net/files/dfe/4d8fa8e272ddeef0d6ffdd7097f4fc70.jpg?strip=all)
Ang pinakakaraniwang pagkaunawa sa isang bulkan ay isang tagilog na bundok na bumubuga ng mga lava at makamandag na buhag mula sa isang bunganga sa kanyang rurok; gayunman, inilalarawan lamang nito ang isa sa mga iba't ibang uri ng bulkan. Mas kumplikado ang mga katanigan ng bulkan at nakadepende ang kanilang istruktura at pag-uugali ayon sa mga iilang salik. Ang mga ilang bulkan ay may mga mabagsik na rurok na hinubog ng mga domo de-lava sa halip ng isang bunganga sa tuktok habang ang mga iba ay may mga malatanawing katangian tulad ng napakalaking talampas. Maaaring mabuo ang mga singawan na bumubuga ng mga bulkanikong materyales (kabilang ang lava at abo) at mga buhag (higit sa lahat mga singaw at magmatikong buhag) saanman sa anyong lupa at maaaring magdulot ng mas maliit na tagilog tulad ng Puʻ u ʻ Ōʻ ō sa isang libis ng Kīlauea ng Hawaii. Kabilang sa mga uri ng bulkan ang krayobulkan (o bulkang yelo), lalo na sa mga iilang bulan ng Hupiter, Saturno, and Neptuno; at bulkang putik na mga pagbubuo na hindi nauugnay sa kilalang magmatikong aktibidad. Kadalasang mas mababa ang mga temperatura ng aktibong bulkang putik kumpara sa mga bulkang apuyin maliban kung talagang bahagi ang bulkang putik ng singawan ng isang bulkang apuyin.
Tradisyon At Kulturang Pinoy
Ang mga bulkang kalasag, na ipinangalan para sa kanilang malapad at malakalasag na itsura, ay binubuo ng pagbuga ng malabnaw na lava na maaaring dumaloy nang malayo mula sa isang singawan. Karaniwang hindi sila sumasabog nang malala. Dahil tipikal na mababa ang silika sa malabnaw na magma, mas karaniwan ang mga bulkang kalasag sa mga karagatan kaysa sa mga kontinente. Ang bulubulkaning Hawaiano ay isang serye ng mga kalasag na tagilog, at laganap din sila sa Islandiya.
Nahuhubog ang mga domo de-lava ng mga mabagal na pagbuga ng napakalapot na lava. Paminsan-minsan, nabubuo sila sa loob ng bunganga ng dating pagbuga ng bulkan, tulad ng Bundok Santa Helena, ngunit maaari silang mabuo nang nakapag-iisa, tulad ng Bundok Lassen. Tulad ng mga istratobulkan, nakabubuga sila ng mga matindi at eksplosibong pagsabog, ngunit ang kanilang lava ay hindi naman dumadanak nang malayo mula sa pinanggalingang singawan.
![]()
Bulkan Izalco, ang pinakabatang bulkan ng El Salvador. Halos patuloy na sumabog ang Izalco mula 1770 (kung kailan ito nabuo) hanggang 1958, at nakamit nito ang palayaw na Parola ng Pasipiko.
Indonesia In Focus: Kagiliw Giliw Na Mga Lugar Sa Indonesia
Nalilikha ang mga kriptodomo kapag napipilitang umakyat ang malapot na lava na nagpapaumbok sa labas. Halimbawa ang pagsabog ng Bundok Santa Helena noong 1980. Dahil sa lava sa ilalim ng bundok, nagkaroon ng umbok pataas na dumausdos sa hilagang panig ng bundok.
Nagreresulta ng mga bagang tagilog mula sa mga pagbuga ng mga maliliit na piraso ng eskorya at piroklastikos (kapwa kahawig sa mga baga, mula rito ang pangalan ng itong uri ng bulkan) na umiipon sa paligid ng singawan. Maaaring maging maiski na pagbuga na naglilikha ng isang hugis-tagilog na burol na marahil 30 hanggang 400 metrong taas. Nag-aalboroto nang isang beses lamang ang mga bagang tagilog. Maaaring bumuo ang mga bagang tagilog bilang mga umaagapay na singawan sa mga mas malalaking bulkan, o nabubuo sa kanilang sarili. Kabilang sa mga halimbawa ng bagang tagilog ang Parícutin sa Mehiko at Bungangang Sunset sa Arizona. In Bagong Mehiko, ang Caja del Rio ay isang bulubulkanin ng higit sa 60 bagang tagilog. Ayon sa mga larawang buntabay iminumungkahi na maaaring magkaroon din ng bagang tagilog sa mga iba pang dutaing lawas sa sistemang Solar; sa ibabaw ng Marte at ng Buwan.

Ang mga istratobulkan o bulkang pinaglakip ay mga matangkad, alimusod na bundok na gawa sa mga agos ng lava at iba pang binuga sa mga salit-salit na saray. Kilala rin ang mga istratobulkan bilang mga bulkang pinaglakip dahil nalilikha sila mula sa mga maramihang istruktura sa mga iba't ibang alboroto. Ang mga istratobulkan ay gawa sa dupong, abo, at lava. Pumapatong nang pumapatong ang mga dupong at abo sa isa't isa, umaagos ang lava sa ibabaw ng abo, kung saan lumalamig at tumitigas ito, at nauulit ang proseso. Kabilang sa mga klasikong halimbawa