Sa isang maliit na baryo ay nakatira ang pamilya Salamat. Si Aling Minda ay labandera at ang asawa niya namang si Mang Tomas ay isang mangingisda. Sila ay may dalawang anak, ang panganay na si Miko na walong taong gulang, at ang dalawang buwang gulang na sanggol na si Mikay.
Isang araw tinanong ni Aling Minda kung anong klaseng laruan ang nais ni Miko na matanggap sa nalalapit niyang kaarawan. “Laruang kotse po, nanay” sagot ng bata. “Sige ba, kahit robot pa yan anak. Makukuha mo iyan sa kaarawan mo” dagdag ni Mang Tomas. Ngumiti lamang si Miko at nagyakap ang buong mag-anak.
Tatlong araw bago ang kaarawan ni Miko ay nagkasakit si Mikay. Dinala ito ni Mang Tomas sa ospital sa bayan. Naiwan naman si Aling Minda at Miko na alalang alala sa sanggol. Pagkalipas ng dalawang araw ay nakauwi rin ang mag-ama galing sa ospital. Tuwang tuwa ang mag-anak dahil masigla na muli si Mikay.
Kwento Ng Epikong Haraya @ Can Op 20 Oxycotin Get You High :: 痞客邦 ::
Kinabukasan ay maagang nagising ang mag-asawa. Iniisip nila kung paanong sasabihin kay Miko na wala silang maireregalong laruan dahil ang perang gagamitin sanang pambili dito ay naipambayad na sa ospital.
Naisipan na lamang ni Mang Tomas na gumawa ng saranggolang hugis kotse para sa anak. At dahil wala na ngang natirang pera ang mag-asawa ay naisipan na lamang rin ni Aling Minda na magluto ng pritong tilapya na paborito ni Miko.
Pagkagising ni Miko ay binati kaagad siya ng kanyang ina. “Maligayang kaarawan sa iyo Miko, anak ko. Sana ay pagpalain ka pa ng Diyos.”
Kwento Ng Haraya Epiko
“Oh, anak heto pala ang regalo kong kotse sayo. Pasensya ka na at saranggolang hugis kotse lamang ito, nagamit na kasi namin ang pera sa pagpapagamot sa kapatid mo. Hayaan mo at babawi kami sa susunod na taon” sabi ni Mang Tomas.
“Ayos lang po nanay at tatay. Maraming salamat po talaga. Kahit ano po ang regalo ayos lang sa akin basta't galing sa inyo. Sapat na po sa akin ang pagmamahal niyo at isang regalo ko na rin pong maituturing na gumaling si Mikay” tugon ni Miko.
New questions in Edukasyon sa Pagpapakatao Processing Questions: 1. What do all of these pictures have in common? 2. Do you also do the things shown in the pictures? Write briefly abo it. 3. Wh … at did you feel when you join in those activities? ano-anong Birtud ang nakita sa heneral luna humanap ng isang tula o awitin na may kaugnayan sa iyong mga mithiin sa buhay. isulat ang iyong sagot sa sagutang papel kwento ng katapatan pangungusap OPENING REMARKS FOR END OF CLASSPLEASE PATULONG PO゚( ゚இ‸இ゚)゚Need Ko Na Po ASAPSana Po May Sumagot po please ( ゚இ‸இ゚)