Ang matalo sa paligsahan ay karaniwan, ngunit ang mabigo sa labanan ay talunan. Kung walang kabiguan, walang tagumpay. Ang tagumpay ay hindi nasusukat ng mga titulo, posisyon o kapangyarihan, salapi, mga ari-arian o karangyaan; at maging destinasyon at pook na nais manirahan. Upang tahasang magtagumpay; kailangang lubos nating alam ang tunay na kahulugan nito para sa ating buhay. Bawat tao ay may kanya-kanyang hangarin at mga lunggati, at magkakaiba ang mga paraan kung papaano ito tutuparin. Nasa motibo ito kung kabutihan o kabuktutan ang nasa isipan.
Ang mga pangarap ay nagkakatotoo kapag may katapangan itong habulin. Mailap man ito at mahirap maabot, kung masikhay ay magtatagumpay. Mula sa mga kabiguan ay patuloy na tumitindig nang walang pagsukô. Sa bawat yugtô, sinasanay ka ng mga paghamon para tumibay at tumalím sa pakikibakâ. Ang tagumpay ay binubuô ng maliliit na gawaing inuulit sa araw-araw hanggang makasanayan ito, tulad ng maraming sinulid na binuô para maging lubíd.
Tungo Sa Pagsisikap At Tagumpay />
Walang hangganan ang bawat pagkilos, at walang katapusan ang mga pagnanasâ. Dahil hindi tayo mga perpektong tao; kaya wala tayong satispaksíyon anuman ang matapos o makamtan natin. Sa simula nais lamang natin ay bisikleta, nang may tumabi sa gilid na motorsiklo, ang nais naman natin ay kotse, kapag Kia ito at may nakita tayong Lexus (Toyota), sana; (panalangin) ay ganoon din ang kotse ko. Walang pagkasawâ, kahit ano ang makita at nakakasiya ay nais mapasakanyâ. Ang landas patungo sa tagumpay at kabiguan ay magkatulad ngunit tagumpay ka kung nakakaiwas sa mga tuksô at hindi nakabilanggo sa mga paghahangad.
Ngiting Tagumpay: Ang Bunga Ng Pagsisikap! — Steemit
Ang tototo, ang tagumpay ay patuloy na paglalakbay at hindi isang destinasyon. Dahil kapag nakuha mo na ang iyong hinahangad, kailangang patuloy na sanayin mo ang iyong sarili na panatilihin ito at madagdagan pa. Hindi ang magpabaya at bumalik muli sa dating abang kalagayan – ang talunin ang nagawa mo kahapon nang mahusay at higit na may pakinabang. Tagumpay kang naturingan, kapag natalo mo ang iyong mga kahinaan at nagagawang kontrolin ang sarili sa walang mga katuturan. Iwasan ang maging tao na matagumpay, sa halip ay maging tao na may kahalagahan.This website adopts the Web Content Accessibility Guidelines (WCAG 2.0) as the accessibility standard for all its related web development and services. WCAG 2.0 is also an international standard, ISO 40500. This certifies it as a stable and referenceable technical standard. WCAG 2.0 contains 12 guidelines organized under 4 principles: Perceivable, Operable, Understandable, and Robust (POUR for short). There are testable success criteria for each guideline. Compliance to these criteria is measured in three levels: A, AA, or AAA. A guide to understanding and implementing Web Content Accessibility Guidelines 2.0 is available at: https://www.w3.org/TR/UNDERSTANDING-WCAG20/ Accessibility Features Shortcut Keys Combination Activation Combination keys used for each browser. Chrome for Linux press (Alt+Shift+shortcut_key) Chrome for Windows press (Alt+shortcut_key) For Firefox press (Alt+Shift+shortcut_key) For Internet Explorer press (Alt+Shift+shortcut_key) then press (enter) On Mac OS press (Ctrl+Opt+shortcut_key) Accessibility Statement (Combination + 0): Statement page that will show the available accessibility keys. Home Page (Combination + H): Accessibility key for redirecting to homepage. Main Content (Combination + R): Shortcut for viewing the content section of the current page. FAQ (Combination + Q): Shortcut for FAQ page. Contact (Combination + C): Shortcut for contact page or form inquiries. Feedback (Combination + K): Shortcut for feedback page. Site Map (Combination + M): Shortcut for site map (footer agency) section of the page. Search (Combination + S): Shortcut for search page. Press esc, or click the close the button to close this dialog box.
Hindi naging madali para kay Jonas M. Ornoza ang makapagtapos sa Senior High School noong 2018 sa Odiongan National High School dahil sa hirap ng buhay. Kinuha niya ang track na TVL-Electrical Installation and Maintenance (TVL-EIM) dahil dito niya nakikita ang kaniyang tatahaking larangan, gayundin ay upang makapagtrabaho agad at makatulong sa pamilya.
Bilang isang mag-aaral noon, hinasa ni Jonas ang kaniyang kakayahan hindi lamang sa classroom. Palagi siyang sumasama sa kaniyang teacher o strand coordinator sa pag-aayos ng mga electrical problems sa kanilang paaralan dahil gusto niyang matuto noon ng aktuwal na installation. Bilang bahagi rin ng kurikulum ng Senior High School, nagkaroon siya ng on-the-job training sa isang private electric company. Dito siya natuto ng maraming kakayahang teknikal ukol sa electric installation at iba pa. Hinirang pa siyang Best in Work Immersion student sa kanilang paaralan matapos makompleto ang OJT.
![]()
Sa Ibayong Pagsisikap, Tagumpay Ay Kikislap
Bitbit ang mga kasanayan at parangal na natamo, buong loob na kumuha ng NC II exam sa Electrical Installation and Maintenance si Jonas para agad na makakuha ng magandang trabaho. Habang hinihintay ang resulta ng exam ay matiyaga siyang naghanap ng kompanyang papasukan. Ngunit hindi lahat ng hakbang sa pagtatrabaho ay umayon sa kanya dahil hindi siya pinalad na makapasa sa NC II exam.
“Dobleng dagok ang aking hinarap nang hindi ako palaring makapasa sa NC II Assessment, gayunman, hindi ako sumuko, nagsumikap at nagpatuloy ako. Hindi Niya ako pinabayaan, ” kuwento ni Jonas.

Nagpatuloy siya sa paghahanap ng trabaho at di naglaon ay natanggap bilang laborer sa isang solar company. Dito ay hinasa pa niya ang kaniyang kakayahan at hindi tumigil sa pagre-review. Nagdesisyon siyang kumuha uli ng NC II at sa pagkakataong ito ay nakapasa na siya! Ito ang naging dahilan upang tumaas ang kaniyang ranggo bilang Electrical Technician.
Monday Motivational Quotes Para Sa Trabaho W/ Images
Sa kasalukuyan ay tatlong taon na si Jonas sa kaniyang trabaho. Dahil sa tinahak niyang Senior High School strand, pagsisikap, at pagsasanay ay nagagawa na niyang tulungan ang kaniyang pamilya lalo na’t nawalan ng kabuhayan ang kaniyang ama na dating porter sa pier nang magsimula ang pandemya. Ipinagmamalaki niya na siya ay nakapagtapos sa TVL-IMC na may karangalan at kaalamang nagamit niya upang umunlad ang kanilang buhay.

“Maraming choices of strand ang offered sa Senior High School kaya dapat maging wise sa pagpili. Napakahalaga ang pagkakaroon ng adhikain sa buhay na ipagpatuloy ang pag-aaral. Kailangang may determinasyon, pagsisikap at tiyaga sa kahit anong trabahong ibibigay sa iyo. Makinig at pag-aralang mabuti ang mga itinuturo ng mga guro dahil magagamit ninyo ito kapag nagkaroon na kayo ng trabaho at sa patuloy na pakikibaka sa buhay, ” payo ni Jonas sa mga mag-aaral.
Sa kasalukuyan ay tatlong taon na si Jonas sa kaniyang trabaho. Dahil sa tinahak niyang Senior High School strand, pagsisikap, at pagsasanay ay nagagawa na niyang tulungan ang kaniyang pamilya lalo na’t nawalan ng kabuhayan ang kaniyang ama na dating porter sa pier nang magsimula ang pandemya. Ipinagmamalaki niya na siya ay nakapagtapos sa TVL-IMC na may karangalan at kaalamang nagamit niya upang umunlad ang kanilang buhay.

“Maraming choices of strand ang offered sa Senior High School kaya dapat maging wise sa pagpili. Napakahalaga ang pagkakaroon ng adhikain sa buhay na ipagpatuloy ang pag-aaral. Kailangang may determinasyon, pagsisikap at tiyaga sa kahit anong trabahong ibibigay sa iyo. Makinig at pag-aralang mabuti ang mga itinuturo ng mga guro dahil magagamit ninyo ito kapag nagkaroon na kayo ng trabaho at sa patuloy na pakikibaka sa buhay, ” payo ni Jonas sa mga mag-aaral.