Buong Kwento ng Ibong Adarna Bawat Kabanata'y Makapupukaw ng Diwa

Buong Kwento ng Ibong Adarna Bawat Kabanata'y Makapupukaw ng Diwa

 29) Tanyag, sagana at mayaman ang kaharian ng Berbanya. Tahimik at payapang namumuhay ang mga tao rito. Malimit na nagkakaroon ng pagdiriwang at mga piging sa nasabing kaharian sapagkat mabuti at mapagmahal ang mga namumuno rito na sina Don Fernando at Donya Valeriana. Sila ay may tatlong magigiting at matitikas na mga supling na sina Don Pedro, Don Diego at si Don Juan. Ang tatlong prinsipe ay kasalukuyang pinagsasanay sa pakikidigma upang sa takdang panahon ang isa sa kanila ay magmamana ng trono. Kabanata 2: Ang Karamdaman ng Hari (Saknong 30

 45) Dahil sa isang bangungot, nagkaroon ng malalang sakit ang Hari na si Don Fernando. Nakita niya ang isa sa kaniyang mga anak na si Don Juan na pinaslang ng dalawang buhong at p agkatapos ay inihulog sa balon. Hindi na halos kumakakain at natutulog ang hari dahil sa labis na pagkabalisa. Isang medikong paham ang nagsabi na ang tanging lunas daw sa sakit ng Hari ay ang awit ng isang ibong tanging matatagpuan lamang sa bundok ng Tabor partikular sa kumikinang na puno ng Piedras Platas. Agad namang inutusan ang panganay na anak na si Don Pedro na hulihin ang natatanging lunas para sa sakit ng Hari. Kabanata 3: Paghahanap ni Don Pedro sa Lunas (Saknong 46

 80) Naglakbay ng tatlong buwan si Don Pedro bago natunton ang daan patungong Bundok Tabor. Agad naman ay nahanap ng Prinsipe ang puno ng Piedras Platas. Nagtaka siya kung bakit wala ni isang ibon ang dumadapo rito. Sa la bis na paghihintay sa pagdating ng ibong adarna, siya ay nakaidlip at hindi napansin ang pagdating ng ibon. Dumapo ang ibon sa sanga ng puno at umawit ng pitong ulit habang nagpapalit ng kulay ng balahibo ng makapito ring ulit. Dahil kinapamahasnan na ng ibon na dumumi bago mamahinga, hindi nagtagal ay dumumi na ito at walang anu-

Filipino 7 Ibong Adarna Kabanata 1 46

 109) Dahil hindi na nasilayang muli ang panganay na si Don Pedro, inatasan ng Hari ang ikalawang anak na si Don Diego upang hulihin ang ibong adarna. Naglakbay ng limang buwan ang nasabing prinsipe. Naakit din siya sa kinang nito at napaisip kung bakit walang ibang ibon ang naaakit dito. Nagpahinga muna siya habang matiyagang naghihintay sa mahiwagang ibon ngunit dahil sa lambing ng pag awit nito, ay agad ding nakatulog. Nasaksihan man ni Don Diego ang pagpapalit kulay ng mga balahibo nito, siya ay nanatiling bigo. Napatakan siya ng dumi nito at naging bato na rin. Nagmistulang magkatabing puntod ang magkapatid. Kabanata 5: Paglalakbay ni Don Juan (Saknong 110

 140) Pagkalipas ng tatlong taon, lalong lumala ang karamdaman ng Hari. Masakit man para sa Hari ang mawalay sa pinakamamahal niyang anak ngunit wala siyang magawa kundi ang bindisyunan ang bunsong anak sa paglalakbay nito. Natakot si Don Fernando at baka magtanan si Don Juan. Siya ay maglalakad lang papunta ng Bundok Tabor at may baong limang tinapay. Isang beses sa isang buwan lang siya kumakain. Habang binabagtas ang daan patungo sa nasabing bundok, panay ang sambit sa Birheng Inang marilag na nawa ay matagalan ang paghihirap na dinaranas. Sa ikaapat na buwan, tumigas na ang baon niyang tinapay. Sa gitna ng paglalakbay ay may nakita siyang ermitanyong sugatan. Kabanata 6: Ang Ermitanyo (Saknong 141

 198) Nanglimos kay Don Juan ang leprosong matanda at ibinigay ang nag-iisang tirang tinapay. Sa wakas ay nadatal na ni Don Juan ang puno at muntik nang makalimutan ang bilin ng matanda dahil sa ganda ng puno. Nakarating ang prinsipe sa dampa at napansin ng tinapay na ibinigay niya sa leprosong matanda.

Doc) Ibong Adarna

Nalaman niya na engkantado ang ibong adarna. Sa gabi lang ito masisilayan. Pitong beses iyong umaawit habang nagpapalit ng kulay ng balahibo ng makapito ring ulit. Sa oras na umawit na ang ibon ay susugatan niya ang kanyang palad at pipigaan ng dayap upang hindi makatulog. Ipinagkaloob ng ermitanyo kay Don Juan ang sintas na Ginto upang gamitin sa paghuli ng mahiwagang ibon. Kabanata 7: Ang Mahiwagang Ibong Adarna (Saknong 199

 215) Pagdating ni Don Juan sa puno ng Piedras Platas, wala siyang natagpuang ibon kaya matiyaga nalang siyang naghintay sa pagbabalik niyon. Malalim na ang gabi at sa wakas dumating na ang Ibong Adarna. Nagsimula na itong umawit kasabay ng pagpapalit ng kulay ng balahibo nito. Dahil sa mahimig na awit ng ibon, dinapuan siya ng antok at muntikan nang makatulog. Upang maiwasan na maging bato, sinugatan niya ang kanyang palad gamit ang l abaha at pinigaan ito ng dayap. Dumumi ang ibon ngunit iniwasan ito ng Prinsipe. Nakatulog na ang ibon ngunit dilat ang dalawang mata at nakabuka ang malabay na pakpak nito. Agad naman itong hinuli ng Prinsipe at ikinulong sa hawla at dinala i to sa dampa ng ermitanyo. Kabanata 8: Pagligtas kay Don Pedro at Don Juan (Saknong 216

 225) Ibinilin ng ermitanyo kay Don Juan na kunin ang banga at punan ng tubig upang maging taong muli ang mga kapatid niyang naging bato. Sinunod ng Prinsipe ang ermitanyo. Unang binuhusan ni Don Juan si Don Pedro at nabuhay itong muli at agad hinagkan ang bunsong kapatid. Sunod namang binuhusan nito si Don Diego. Gaya ng ginawa ng panganay na prinsipe, agad din nitong niyakap si Don Juan. Sila ay masayang nagyayakapan ngunit agad naman itong napawi sa pag-alala sa amang may sakit. Nagpunta ang tatlong prinsipe sa dampa ng ermitanyo.

Filipino 7 Ibong Adarna Mapundara Elgera. Loqiuas 1.pptx

LihatTutupKomentar