Nakakaramdam ka ba ng pangangati sa iyong balat, at may tumutubo pang pantal? Alamin dito ang iba-ibang posibleng sanhi ng pantal sa katawan.
Ang ating balat ang isa sa pinakasensitibong bahagi ng ating katawan. Kaunting dumi o alikabok lang, maari na itong mamula o kaya magkaroon ng mga butlig-butlig o pantal sa katawan na tinatawag ding rashes. Subalit ano ba ang sanhi ng mga ito?
Nakakaabalang Karamdaman />
Maraming pwedeng dahilan kung bakit nagkakaroon ng mga pantal o pangangati sa katawan ang isang tao. Minsan, ito ay dahil sa simpleng pagka-irita lang ng balat ng tao. Subalit minsan, depende sa mga kasamang sintomas, maari itong senyales ng isang medikal na kondisyon o karamdaman.
Pangangati Sa Gabi: Posibleng Sanhi At Gamot Sa Bahay
Ito ang pinakakaraniwang sanhi ng pangangati ng balat. Nangyayari ito kapag ang balat ay nadadampi sa isang bagay na nagdudulot ng masamang reaksyon rito. Nagdudulot ito ng pamumula, pamamaga o pantal sa katawan.
Kapag nangyari ito, mas mabuting hugasan agad ang balat ng maligamgam na tubig at antibacterial soap. Kumonsulta rin sa iyong dermatologist upang malaman kung anong mga bagay ang dapat mong iwasan.
Nagdudulot ng malaking pantal sa katawan at pangangati ng balat ang kagat ng lamok kaya malalaman mo kaagad kapag mayroon ka nito. Kusa namang umiimpis ang mga pantal na ito. Bukod sa pamamantal at rashes, kailangang mag-ingat mula sa kagat ng lamok dahil maari itong magdulot ng mga matitinding sakit.
Pangangati Ng Balat Ng Bata: 6 Paraan Para Mawala Ang Pangangati
Ang eczema isang kondisyon sa balat kung saan pabalik-balik ang pangangati at pamumula nito. Kapag umaatake ang eczema o nagkakaroon ng “flare ups, ” maaaring makapansin ng mapupulang patches o rashes sa balat.
Nangyayari ang eczema kung mayroong depekto ang ating filaggrin, isang uri ng protein sa balat na pumoprotekta laban sa allergen, mga kemikal sa kapaligiran at dryness.
Kadalasan, ang kondisyong ito ay namamana. At ilan sa mga bagay na maaring magdulot ng paglabas ng mga rashes na ito ay ang pagbabago sa panahon, allergens gaya ng alikabok, pollen at balahibo ng hayop, mga produktong may halong pabango, at maging ang ating pawis.
Makati Ang Kilikili? Alamin Ang 6 Na Posibleng Sanhi Ng Rashes Sa Kilikili
Ang impetigo o mamaso sa Tagalog ay mapulang patse o spots sa balat, kumpol-kumpol at kitang-kita ang impeksiyon dahil basa at makati.
Ayon kay Dr. Barbara Marcelo, isang dermatologist at eksperto sa infectious diseases, maaring mangyari ito kapag ang mga pantal o rashes ay patuloy na kinamot at magsugat.
Kapag nagkaroon ng mga hiwa sa balat, nakakapasok ang bacteria na Streptococcus pyogenesatStaylococcus aureussa outer layer ng balat o epidermis. Kaya mas mataas ang posibilidad ng mga taong may sakit sa balat gaya ng eczema na magkaroon ng mamaso.
Makating Itlog: Karumihan O May Medikal Na Dahilan?
Ani Dr. Marcelo, kailangang maagapan ito kaagad dahil kapag lumalim ang bacteria, maari itong magdulot ng cellulitis, isang matinding sakit sa balat.
Isa rin itong uri ng contact dermatitis sa mga bata. Nagkakaroon rin ng mga pantal ang mga baby kapag hindi sila hiyang sa ginagamit nilang diaper, o kaya naman ay hindi pinapalitan agad ang basa o maruming diaper ng bata.
. Kapag na-infect nito ang iyong balat, maaring umabot ng hanggang 6 na linggo bago lumabas ang pamumula at pangangati ng balat. Malalaman mo na scabies ang dahilan ng iyong rashes kung mas matindi ang pangangati nito sa gabi.
Mga Sakit Sa Balat
Ito naman ay isang kondisyon sa balat na epekto ng isang autoimmune condition na nagdudulot ng mabilis na paggawa ng skin cells. Kaya naman sa dami nito, namumuo at nagpapatong-patong ito at nangangati hanggang sa magbalat na lang.
Mapapansin ang mga puting kaliskis sa balat, na siyang kakapal at mangangati. Minsan naman ay nagka-crack na lang at nagdurugo ang balat.
Kung mayroon kang allergy sa pagkain o gamot, maari rin itong magdulot ng mga pantal sa katawan. May mga rashes sanhi ng allergies na mild lang at kusang nawawala, subalit mayroon din namang sintomas ng pagkakaroon ng mas matinding reaksyon at kailangang maagapan.
Simpleng Gamot Sa Bungang Araw
Ito ay isang sakit sa balat na hindi pa alam kung ano talaga ang pinagmulan. Subalit mailalarawan ito ng maliliit at mapupulang pantal sa katawan na minsan ay mayroon parang nana. Mas madalas itong matagpuan sa mga bahagi ng mukha gaya ng pisngi, ilong at noo.
Ito ay isang nakakahawangrespiratory disease (apektado ang baga at breathing tubes) na nagiging sanhi ng mataas na lagnat at rashes o maliliit at mapupulang pagpapantal sa balat, sa buong katawan. Bukod sa mga rashes, maari ring samahan ito ng ubo, sipon, pagtatae at pamumula ng mata.
Ang chickenpox o bulutong ay isa ring nakakahawang sakit na sanhi ng varicella-zoster virus. Bukod sa pagkakaroon ng mapupulang pantal sa katawan na kadalasang matatagpuan sa mukha, likod at tiyan ng bata. Sinasamahan rin ito ng mga sintomas gaya ng lagnat at pananakit ng katawan.
Larawan Ng Iba't Ibang Uri Ng Sakit Sa Balat At Gamot Sa Mga Ito
Tumatagal ito sa loob ng 10 araw, subalit kapag hindi maagapan at gamutin ng tama, maari itong magdulot ng matitinding komplikasyon tulad ng pneumonia at encealitis.
Ito ay isang viral infection na nagdudulot ng mga sugat sa bibig at rashes sa mga kamay at paa. Kadalasang nabibiktima ng sakit na ito ang mga bata. Nakakahawa rin ang sakit na ito, na posibleng samahan ng mga sintomas gaya ng sipon, pananakit ng lalamunan at lagnat.
Isa pang sakit na nagdudulot ng mga pantal sa katawan ng mga bata ay ang scarlet fever. Sanhi ito ng infection na nagdudulot ng strep throat.
Mga Uri Ng Sakit Sa Balat Na Makati: Sanhi At Gamot
Bukod sa mapupula at magaspang na rashes sa buong katawan (maliban sa kamay at paa), nagdudulot rin ito ng pananakit ng lalamunan at mataas na lagnat.
Ano mang uri ng pamamantal at pangangati ng katawan ay nag-iiwan ng hindi komportableng pakiramdam. Isa pa, maaaring magdulot ng impeksyon ang mga gasgas o sugat mula sa pagkakamot sanhi ng pangangati ng balat. Kaya naman, mahalaga na gamutin ang pantal sa katawan.
Kilala ang aloe vera na halamang gamot sa pamamantal at pangangati ng katawan. Mayroong anti-inflammatory, antimicrobial, antiviral, at antioxidant ang aloe vera.
Pamamanhid Ng Kamay: Sanhi, Lunas, At Paano Ito Maiiwasan
Mas mabuti umanong gamitin bilang gamot sa pamamantal at pangangati ng katawan ang mismong halaman ng aloe vera kaysa sa mga manufactured aloe vera cream.
Biyakin lang ang dahon ng aloe vera at kuhain ang gel na matatagpuan sa gitna ng dahon nito. Direktang ipahid sa nangangating balat ang gel.
Matagal nang ginagamit ang oats bilang gamot sa pamamantal at pangangati ng buong katawan. Karaniwan din itong ginagamit panggamot sa eczema at paso.
Gamot Para Sa Makating Balat: Heto Ang Maaari Mong Subukan
Paano ito gamitin? Kailangan lang tunawin ang colloidal oatmeal sa warm bathwater. Kung wala namang colloidal oatmeal, pwedeng i-grind ang regular oatmeal sa food processor o blender. Ihalo ang 1 cup ng giniling na oatmeal sa bathwater. Ilublob ang katawan sa bathwater na may oatmeal nang 30 minuto. Pagkatapos ay magbanlaw gamit ang maligamgam na tubig. Mabisa itong gamot sa pamamantal at pangangati ng buong katawan.
Pwede ring maligo sa cold shower, dampian ang balat ng malamig na basang tela, o buhusan ng malamig na tubig ang balat na nangangati. Makatutulong ito para mabawasan ang pamamaga at maibsan ang pangangati. Mabisa rin itong pang ampat ng mga pantal sa katawan.
Matagal na ring ginagamit ng mga tropikal na bansa ang langis ng niyog o coconut oil bilang pamahid sa pamamantal at pangangati ng balat sa katawan. Mayroong saturated fats, antiseptic at anti-inflammatory properties ang coconut oil.
Bakit Nagkakaroon Ng Imon Imon Sa Balat? Alamin Dito!
Subalit, kung may allergy sa niyog, subukan muna itong ipahid sa maliit na bahagi ng balat sa inner arm. Kung walang maganap na adverse reactions sa balat sa loob ng 24 oras, maaari na itong gamitin sa iba pang bahagi ng katawan. Kung makaranas ng iritasyon ay itigil ang paggamit.
Ang magnesium sulfate o Epsom salts na kilala rin sa tawag na dead sea salts ay nakatutulong din para maibsan ang pangangati at tila pangangaliskis ng balat. Ang kailangan lang gawin ay ihalo ang dalawang tasa ng Epsom salts sa warm tub at magbabad dito nang 15 minuto.
Banlawan ang katawan matapos ang 15 minuto at tuyuin sa pamamagitan ng pagdami ng malinis na tuwalya. Gumamit din ng moisturizer para maiwasan ang panunuyo ng balat. Kumonsulta muna sa doktor kung nais itong subukan bilang gamot sa pamamantal at pangangati ng katawan ng bata.
Skin Rashes Causes: Pangangati, Pamumula At Pamamantal
Bukod sa mga nabanggit sa taas, mabisa rin ang coconut oil na gamot sa pangangati at pamamantal ng katawan ng bata. Ayon sa Healthline article, mayroong 2013 clinical trial kung saan sinasabing ang paggamit ng virgin coconut oil bilang gamot sa atopic dermatitis ng sanggol ay kasingbisa ng paggamit ng mineral oil.
Samantala, sa kahiwalay na pag-aaral naman ay napag-alaman na mas mabisa ang coconut oil kaysa sa mineral oil sa pagsasaayos ng skin hydration at barrier function. Sa parehong pag-aaral, sinubukan ang coconut oil sa mga batang may atopic dermatitis.
Maaaring subukan ang mga nabanggit na home remedy bilang gamot sa pamamantal at pangangati ng katawan. Kaya lamang, mahalagang magpakonsulta na sa doktor kapag ang nararansang pantal at kati sa balat ay:
Cold Urticaria: Sanhi, Sintomas, At Gamot Sa Skin Allergy Dulot Ng Lamig
Importanteng matingnan ng doktor ang balat para malaman kung ano ang angkop na paggamot ang dapat gawin. Nakadepende ito sa dahilan kung bakit nagkaroon ng pamamantal at pangangati sa katawan.
Kung mayroon kang katanungan tungkol sa iyong mga pantal at iba pang sakit sa balat, huwag magdalawang-isip na kumonsulta sa iyong dermatologist o pediatrician ng iyong anak.
Dito sa theAsianparent ilippines, mahalaga sa amin ang makapagbigay ng impormasyon na wasto, makabuluhan at napapanahon ngunit hindi ito dapat gawing pamalit sa payo ng doktor, o kaya sa medical treatment. Walang pinanghahawakang responsibilidad ang theAsianparent ilippines sa mga nagnanais na uminom ng gamot base sa impormasyon sa aming website. Kung