Nakatayong Buddha. Ito ang isa sa pinakamaagang mga alam na representasyon ni Gautama Buddha, ika-1 hanggang ika-2 siglo CE. Greco-Buddhist art, Gandhara. (Tokyo National Museum)
Ang Budismo o Budhismo (Sanskrit: Buddha Dharma, nangangahulugang: Ang Daan ng Naliwanagan) ay isang relihiyon o pilosopiya na nakatuon sa mga aral ni Buddha Śākyamuni (Siddhārtha Gautama), na marahil namuhay noong ika-5 siglo BCE.
Malayong Isang Malalim Na Pagninilay Sa Kapalaran />
Nakatuon ang Budismo sa mga aral ni Siddhartha Gautama o ang Buda, na isang dakilang mangangaral na nabuhay noong 563 BCE hanggang 483 BCE sa hilagang bahagi ng Indiya. Ang Buddha ay nangangahulugang ang isang naliwanagan sa Sanskrit at Pāli. Ang Buddha ay namuhay at nagturo sa silanganing bahagi ng subkontinenteng Indiyano sa pagitan ng ika-6 hanggang ika-4 siglo BCE.
What Impact Do Gender And Power Have On Fp Decision Making? •
Siya ay kinikilala ng mga Budista na isang naliwanagan na nagbahagi ng kanyang mga kabatiran upang tumulong sa mga may kamalayang nilalang na wakasan ang pagdurusa (dukkha) sa pamamagitan ng pagtatanggal na kamangmangan (avidyā) sa pamamamagitan ng pag-unawa at pagkita sa nakasalalay na pinagmulan (pratītyasamutpāda) at pag-aalis ng pagnanasa (taṇhā), at kaya ay makakamit ang pinakamataas na kaligayahan na nirvāṇa.
Di-teosentriko (Ingles: non-theocentric) ang Budismo. Walang sentrong Diyos sa Budismo. Kahit nito, puwedeng maniwala ang Budista sa maraming klaseng diyos sa mundong ito at sa iba-iba pang mga mundo. Ang mga diyos ay parte ng malawak na ekolohiyang binibilang na ang tao, hayop, demonyo, at iba-ibang klaseng buhay. Sa Budistang kosmolohiya, mayroong maraming mundo, bukod sa ating mundo.
Ang dalawang mga pangunahing sangay ng Budismo ay pangkalahatang kinikilala: ang Theravada (Ang Paaralan ng mga Nakatatanda) at Mahayana (Ang Dakilang Sasakyan). Ang Theravada ay may malawakang mga tagasunod sa Sri Lanka, Timog Silangang Asya. Ang Mayahana ay matatagpuan sa buong Silangang Asya (Tsina, Korea, Hapon, Vietnam, Singapore, Taiwan, etc.) at kinabibilangan ng mga tradisyon ng Dalisay na Lupain, Zen, Budismong Nichiren, Budismong Tibetan, Shingon, at Tiantai (Tendai). Sa ilang mga klasipikasyon, angVajrayana na pangunahing sinasanay sa Tibet at Mongolia at mga kalapit na bahagi ng Tsina at Rusya ay kinikilala na ikaong sangay samantalang ang iba ay umuuri dito bilang bahagi ng Mahayanan. Bagaman ang Budismo ay nananatiling pinakasikat sa loob ng Asya, ang parehong mga sangay nito ay matatagpuan na ngayon sa buong mundo. Ang mga Budismo sa buong mundo ay tinatayang sa pagitan ng 350–500 milyon
Ml@50: Tugon At Tindig Ng Sining
Ang mga eskuwela ng Budismo ay iba-iba sa eksaktong kalikasan ng landas tungo sa kalayaan, ang kahalagahan at kanonisidad ng iba't ibang mga katuruan at kasulatan at lalo na ang kanilang mga respektibong kasanayan.
Ang mga pundasyon ng tradisyong Budista at kasanayan ang Taong Hiyas (Triple Gem/Tirattana). Ang Taong Hiyas ay ang Buda (Ang naliwanagan), ang Dharma (Mga katuruan ng Buda), at ang Sangha (Komunidad ng mga Budista). Ang pagkanlong sa Taong Hiyas ay tradisyonal na isang paghahayag at pagtatalaga ng sarili sa pagiging nasa landas na Budista at sa pangakalahatang ay nagtatangi ng isang Budista mula sa isang hindi-Budista.
Ang ibang mga kasanayan ay maaaring kabilangan ng mga sumusunod na mga patakarang etikal; pagsuporta sa pamayahanang monastiko; pagtakwil sa nakagawiang pamumuhay at pagigign isang monastiko; pag-unlad ng pagiging mapagmasid at pagsasanay ng pagninilay-nilay; pagpapalago ng mas mataas na karungungan at pagkawari; pag-aaral ng mga kasulatang Budista; mga pagtutuong kasanayan, mga seremonya at sa tradisyong Mahayana ay paghimok ng mga buddha at bodhisattva.
Filipino 9 Lm Draft 3.24.2014
Ang mga may kamalayaang nilalang ay nananabik sa pagnanasa at ayaw sa sakit mula kapanganakan hanggang kamatayan. Sa pagiging nakontrol ng mga saloobing ito, kanilang ipinagpapatuloy ang siklo ng may kondisyong pag-iral at pagdurusa (saṃsāra) at lumilikha ng mga sanhi at kondisyon ng susunod na muling kapanganakan pagkatapos ng kamatayan. Ang bawat muling kapanganakan ay nag-uulit ng prosesong ito sa isang hindi boluntaryong siklo na sinisikap ng mga Budistang wakasan sa pamamagitan ng pagpuksa sa mga sanhi at kondisyong ito at naglalapat ng mga pamamaraang inilatag ni Buddha at ng mga kalaunang Budista.
Ang Karma (mula sa Sanskrit: aksiyon, gawa) sa Budismo ang pwersa na nagtutulak sasaṃsāra na siklo ng pagdurusa at muling kapanganakan ng bawat nilalang. Ang mga mabuting may kasanayang mga gawa (Pāli: kusala) at masama at walang kasanayang mga gawa (Pāli: akusala) ay lumilikha ng mga binhi sa isipan na natutupad sa buhay na ito o sa kalaunang muling kapanganakan.
Ang pag-iwas sa hindi malusog na mga gawa at pagpapalago ng mga positibong gawa ay tinatawag na śīla (mula sa Sanskrit: etikal na pag-aasal). Sa Budismo, ang karma ay spesispikong tumutukoy sa mga aksiyon o gawa ng katawan, pananalita at kaisipan na lumilitaw mula sa layuning pang-isipan (cetana),
Ang Pagmamahal Ng Diyos
At nagdudulot ng isang kalalabasan o bunga (phala) o resulta (vipāka). Sa Budismong Theravāda, walang makadiyos na kaligtasan o kapatawan para sa karma ng isa dahil isang purong prosesong hindi personal na bahagi ng kabuuan ng uniberso. Sa Mahāyāna Budismo, ang mga teksto ng isang mga Mahayana sutra (gaya ng Lotus Sutra, Angulimaliya Sutra, at Nirvāṇa Sutra) ay nag-aangkin ng pagbibigkas o pakikinig lamang ng kanilang mga teksto ay maaaring bumura ng mga karma. Ang ilang mga anyo ng Budismo gaya ng Vajrayana ay tumuturing sa pagbibigkas ng mga mantra bilang paraan ng pagputol ng nakaraang negatibong karma.
Ang Hapones na Dalisay na Lupaing Gurong si Genshin ay nagturo na ang Amida Buddha ay may kapangyarihang wumasak ng karma na kundi ay magtatali ng isa sa saṃsāra.
Ang muling kapanganakan ay tumutukoy sa isang proseso kung saan ang mga nilalang ay dumadaan sa isang paghahali ng mga buhay bilang isa sa mga posibleng anyo ng may kamalayang buhay na ang bawat isa ay tumatakbo mula sa paglilihi hanggang sa kamatayan.
Piliin Ang Buhay Na Walang Hanggan
Itinatakwil ng Budismo ang mga konsepto ng isang permanenteng sarili o isang hindi nagbabago, walang hanggang kaluluwa gaya ng tinatawag sa Hinduismo at Kristiyanismo. Ayon sa Budismo, walang gayong bagay gaya ng isang sarili na hindi nakasalalay mula sa iba ng uniberso (anatta). Ang kapangakan sa mga kalaunang pag-iral ay dapat maunawaan bilang isang pagpapatuloy ng isang nagbabagong proseso ng nakasalalay na pag-ahon (pratītyasamutpāda) na tinutukoy ng mga batas ng sanhi at epekto (karma) sa halip na ng sa isang nilalang na nasa transmigrasyon o nagiging laman mula sa isang pag-iral tungo sa susunod. Ang bawat muling kapanganakan ay nangyayari sa loob ng isa sa mga limang sakop ayon sa mga Theravadin o anim ayon sa ibang mga eskuwelang Budista.
Ang mga muling kapanganakan sa ilan sa mga mas mataas na kalangaitan na kilala bilang Mga daigdig na Śuddhāvāsa (Mga dalisay na tirahan) ay makakamit lamang ng mga may kasanayang tagapagsanay na Budistang kilala bilang mga anāgāmi (mga hindi bumabalik). Ang mga muling kapanganakan sa arupa-dhatu (mga walang anyong sakop) ay makakamit lamang ng mga makagpaninilay nilay sa mga arūpajhāna na pinakamataas na bagay ng pagninilay nilay. Ayon sa Budismong Tibetan, may isang pagitang estado (Bardo) sa pagitan ng isang buhay at susunod. Ang posisyong Ortodoksong Theravāda ay tumatakwil dito. Gayunpaman, may ilang mga talata sa Samyutta Nikaya ng Pali Canon na tila sumusuporta sa ideya na ang Buddha ay nagturo ng isang pagitang yugto sa pagita ng isang buhay at sa susunod.
Mga sanhi ng pagdurusa at solusyon [ baguhin | baguhin ang wikitext] Ang Apat na Maharlikang mga Katotohanan [ baguhin | baguhin ang wikitext]
Mga Patnubay Sa Covid 19
Ang mga katuruan tungkol sa Apat na mga Maharlikang Katotohanan ay itinuturing na sentral sa mga katuruan ng Budismo at sinasabing nagbibigay ng isang pangkonseptong balangkas para sa kaisipang Budista. Ang mga apat na katotohanan ay nagpapaliwanag ng kalikasan ng dukkha (pagdurusa, kabalisaan, kawalang satipaksiyon), mga sanhi nito at kung paano ito mapaglalabanan. Ang mga apat na katotohanan ang:
Ang unang katotohanan ay nagpapaliwanag ng kalikasan ng dukkha na karaniwang isinasalin na pagdurusa, kabalisaan, kawalang satipaksiyon etc., at sinasabing may mga susumunod na taong aspeto:
Ang ikalawang katotohanan ay ang pinagmulan ng dukkha ay malalaman. Sa loob ng konteksto ng apat na maharlikang katotohan, ang pinagmulan ng dukkha ay karaniwang pinapaliwanag bilang pagnanasa (Pali: tanha) na kinondisyon sa kamangmangan (Pali: avijja).Sa isang mas malalim na antas, ang ugat na sanhi ng dukkha ay tinukoy na kamangmangan (Pali: avijja) ng tunay na kalikasan ng mga bagay. Ang ikaong maharlikang katotohanan ay ang kumpletong pagtigil ng dukkha ay posible at ang ikaapat na katotohanan ay tumutukoy sa isang landas sa pagtigil na ito.
Simpleng Mga Diskarte Sa Pagninilay
Ang Maharlikang Makawalong Landas na ikaapat sa Apat na Maharlikang Katotohanan ay binubuo ng isang hanay ng walaong magkakaugnay na mga paktor o kondisyon na kapag sama samang pinaunlad ay tutungo sa pagtigil ng dukkha.

Ang walong mga paktor na ito ang: tamang pananaw o pagkaunawa, tamang layuini o tamang pag-iisip, tamang pananalita, tamang aksiyon, tamang pamumuhay, tamang pagsisikap, tamang kamatyagan, at tamang konsentrasyon. Inilarawan ni Ajahn Sucitto ang landa bilang isang mandal ng magkakaugnay na mga paktor na sumuruporta at nagpapahinahon sa bawat isa.
Ang walong ma paktor ng landas ay hindi dapat maunawaan bilang mga yugto kung saan ang bawat yugto ay nakukumpleto bago ang pagusad sa susunod. Sa halip, ang mga ito ay nauunawaan bilang walong mahahalagang mga dimensiyon ng pag-aasal ng isang tao-pang-isipan, pangpananalita, at pangkatawan na gumagana sa pagsalaysay sa bawat isa. Kung pagsasamahin, ang mga ito ay naglalarawan ng isang kumpletong landas o paraan ng pamumuhay.
Covid 19 And Aysrh: Program Adaptation Lessons And Stories Of Resilience
Ang walong mga pakto ng landa ay karaniwang itinatanghal sa loob ng taong mga dibisyon o mas mataas na mga pagsasanay gaya ng